Ang mga pormahan ng mga kabataan noon (80's, 90's at y2k's)



 Ang mga pormahan ng mga kabataan noon (80's, 90's at y2k's)

1. Cool kid ka kung mighty kid ang brand ng shoes mo, pero kinaiinggitan ka naman kapag shoes mo umiilaw lalo na kung brand ay LA Gear.

2. Diba Ginawa mo pang accesories ang mga ganyan noon? Delikado nga lang kasi babasagin.Retro Glitters Necklace

3. Nauso rin ang mga relos, gaya ng Casio na may calculator at mga colorful Pop Swatches. Tas big time ka kung G-shock series ang suot mo noon.

4. Tapos uso pa yung tinatali mo ang long sleeves mo sa baywang mo kasi cool kid ka nga kuno tayo nun.

5. Mas gusto mong isuot ang Kung Fu Shoes mo kasi mas komportable itong pangschool shoes

6. May bandana Scarf ka nuon na sinasabit mo palagi sa shoulder mo, o kaya ginagawa mong wristband, headband. Shout out Axel Rose and Tupac. Sabagay yung mga girls naman ginawang pang-head band o pang-ipit.

7. Gumamit ka ng Suave para kumintab ang buhok mo na bagong ligo palagi ang dating kaso pag napadami pati noo mo kumikintab rin

8. Naging uso yung Ambel Jeans aka Pizza Pie shape na medyo hawig sa bell-bottom.  tapos yung iba meron pang embrodery design. Nagkaroon rin ng Flared Jeans that time at Meron narin lumilitaw na pants na may mga butas-butas

9. Cool kid rin noon ang merong bike tapos uso pa yung colorful na beads nito sa gulong kapag minamaneho ito'y tumutunog. 

10. May baon ka palaging suklay. Yan yung pang-boy, heto yung pang girl Tapos ganito pa nilalagay yan sa back pocket. Tapos may dala ka pang foldable fan. Nauso na rin at that time yung rotating Tooth Comb.

11. Wallet mong eskandaloso dahil sa ingay ng velcro. 

12. Rich Kid ka kung meron kang walkman, tapos nakaheadset ka habang sinasayaw mo ang ulo mo sa music na ikaw lang ang nakakarinig.

13. Nauso ang mga bag na yadu, Khumbmela tapos sumunod yung Hawk tapos Jansport. 

14. Medyo-medyo nauso rin ang bag na yari sa sawali. Di lang ako sure kung nauso rin sa inyo yung bag na yari sa karton tas didisenyuhan nila ng mga text o PBA cards. Nauso ba sa inyo yun?

15. Feeling mo, ang ganda-ganda mo nung nagkaroon ka nitong Butterfly Hair Pin. Tapos tapos bawat araw iba naman color ang susuotin mo.

16. Nakiuso ka rin sa Puka Shell bracelet and necklace. tapos with matching floral polo shirt. Parang galing lang sa boracay ehehe

17. Baggy shirt at baggy pants kasi marami kasing idol ang mga hip-hoppers noon. Tas uso pa ang shades na bilog, tapos kapag sinusuot mo nakasabit lang sa ilong, meron rin baliktad na sinusuot ang shades. Naka Jersey tapos naka Sports visor pero nakabaliktad rin, kumbaga parang rapper ka kuno na nagrerebelde sa lipunan ehehehe.

18. Feeling mo ang sexy-sexy mo nung nag- Spaghettti Strap top ka. Ganun din sa body fit.

19. Paboritong brand ng gel mo noon Michael's, Young's at Splash. Nagkaroon pa ng tingi pack noon. Ambabango ng mga yan. Dami nga lang numipis ang buhok dahil dyan. Tapos style ng buhok mo spiky na ganito, ganitong mohawk o kaya ganitong parang anime.

20. Nauso rin ang mushroom cut

21. Nauso rin ang mga malaking singsing na gaya sa college ring.

22. Nauso ang terminong Japorms, yung parang equivalent ng tiis-ganda, pero madalas tiis-pogi na kung saan magtitiis kang pogi para lang panindigan mo ang porma mo.

23. Madaming kalalakihan ang gumaya niyan,tawag nila noon Keempee hairstyle na pinauso ni Keempee de Leon pero mas nauna na ang komedyanteng si Cachupoy sa looks na ganyan, but in a comedic look nga lang.

24. Naging malakas ang benta sa gel nung nauso ang buhok na nakatikwas. Nung nauso ang emo, naki-emo look ka na rin, tas pamisterious look ka pa dahil may maskara ang paligid ng mata mo para kunwari malungkot ang teenage life mo.

25. May mangilan-ngilan rin na nakiuso sa buhok ni Dennis Rodman. Nauso rin ang  Semi-kalbo, flat tops at Army cut.

26. Dahil cool ka, mas pinipili mo ang jeep na sinsakyan mo, gusto mo yung astig rin tas may music pa.

27. Nauso ang hair style na may highlight pang-moffats yan ganyan. pinakulay mo ang bangs mo

28. Nauso rin ang mga kakaibang earrings gaya nitong Trolls.

29. Malaking implwensya talaga rin noon si Jolina Magdangal sa trendsetting na tawag ay kikay. Siya ang nagpauso ng kakaiba pero cute and bubbly look gaya nito, bito bito nito nito, nito,

30. Lipgloss pa ang uso at nagpapakintab sa labi nun bago pa ang liptint ngayon.Pero mas nauna na si mertaylet, mertoylet, anong pronounce ba nyan  (Merthiolate) 60ml

31. Nauso ang Rubber shoes na air yung mga magagaan. Bida ka kapag meron kang Reebok, Fila, Nike at lalo na ang Air Jordan unang labas niyan pag meron ka niyan bida ka.

32. Astigan ang dating rin yung mga fashionable high-cut combat shoes gaya ng Caterpillar. Sobrang tibay! mabigat nga lang. Dr. Martens din ay sikat sa boots noon sa mga punkista. Sumunod rin sumikat ang iba't - ibang brand ng safety shoes kung tawagin.

33. Nakiuso ka rin sa bling-bling, pero di masyadong nagtagal 

34. Nakiuso ka rin sa Dog Chain. Batang Y2K ang madalas makitaan ng ganito.

35. Ewan ko kung natatandaan nyo pa na nauso rin ang uniform sa pang-bilibid. Yung Orange t-shirt na may letter P sa likod.

36. Rollers pag makikipagsayawan ka mamayang gabi or mamasyal or merong ka-date.

37. Dati tingin mo pa sa mga babaeng may kulay sa buhok at may tigdadalawang hikaw sa tenga ay pokpok.

38. Nauso rin ang Mushroom cap ng Baguio sa girls at Military beret sa mga boys

39. Nauso rin ang sobrang nipis na kilay, kasalanan kasi ito ni Barbie eh.

40. Syempre ang di malilimutang Levi’s Jeans Style Number. From 501 to 541. Iba-iba ang style na pantalon pero ang all-time favourite noon yung 501 button-fly jeans

41. Sumikat noon ang mga sandals bilang pamorma. De Velcro yan diba. World balance ang kadalasan brand. Islander din sumabay rin sa uso noon.

42. Isa ito sa mga weird na nauso noon. Yung sandals tas nakamedyas Parang may lagnat lang. Panahon na malikot ang imahinasyon ng tao 

43. Nauso rin ang brief na Carter na inakala mong merong pocket sa harap. Tapos diba nakiuso ka pa na low-waist, nakalitaw lang yung brief mong Warren.

44. Panyong Armando Carusso

45. Astig ka nun kapag meron kang pager/beeper na nakasabit sa belt mo pero nung kalaunan Cellphone na ang mabilis na pumapalit 

46. Ito ang mga unang CP mo, diba paangasan pa ng casing at mala-christmas light na backlights. hahaha!

47. Bohemian Skirt ay nauso rin sa panahon pa na paikli nang paikli ang palda noon.

48.  Buddha Beads ay lumaganap rin nun.

49. Sikat na brand noon LeePipes, Dickies, RRJ, Esprit, Bench rin, Penshoppe, Hang ten, hanes na sikat sa malambot na white tshirt, FUBU nung 2000's, Octopus Army, Paddox Jeans, United Colors of Benetton, Giordano, GAP, Abercrombie & Fitch, Blue Corner, Mossimo rin, 

50. Nauso rin ang Tretorn Shoes, K-Swiss, Vans lalo itong checkerboard design, Kaypee, Dragonfly  at syempre ang all time favourite na converse na di nawawala sa uso. Pero ang hate kong sinusuot yung mga Tassel Loafers, nahihiya akong isuot ito noon, inaasar kasi ako nun dito eh, pang-girl daw yan, pero no choice ulit wala naman akong ibang school shoes noon. Haaay buhay!!!

51. Chaleko, iba't ibang fashionable chaleko

52. Pabango mo noon,Angel's Breath,Brut, Old Spice, Jovan Musk, Bambini, Johnson's Baby Cologne, Lewis & Pearl, Aficionado Perfume, Pearl Cologne o kaya Baby Bench.

53. Naging uso rin ang Trucker Hat or mesh cap kasi presko sa ulo.Baseball cap din ay naging uso, kasi ginagaya mo nun ang mga modern hip-hoppers at Nu Metal artists.

54. Nauso ang mga printed T-shirts na may disenyo na nakabase sa tinatangkilik nila, pweding rakista, rappers or anime 

55. Nauso rin ang mga Pedal Pushers Jeans at faded jeans nung early y2k's

56. Varsity jacket rin anlakas makapogi rin noon kunwari campus heart throb

57. Nauso rin ang colorful nails, iba-ibang kulay bawat kuko.

58. Nauso rin ang devils nails with matching devil's lips.

59. Nauso ang mga tattoo chokers na pweding gawing bracelet, anklet, arm chain, leg chain, ring

60. Nauso rin ang CHeerleader's skirt.

61. Nauso rin noon ang 8 Balls Breakdown shirt design with belt pa para mas cool.

62. Nauso rin ang Oversized Checkered Polo

63. Medyo Nauso rin ang Cheongsam Tops 

64. Nauso rin ang six-pocket pants na kinainggitan ko sa kaklase ko noon.

65. Nauso rin ang psychedelic shirt and pants, nung panahon ng sumisikat ang Reggae sa Pinas.

66. Medyo nauso rin ang mga zipper pants at Corduroy Pants noon.

67. Ginawa mo ring kwintas ang USB Memory Flash Drive or DSLR para ang dating cool tech guy.

Comments

Popular posts from this blog

50 Memories Nung Ika'y estudyante pa lamang (Work in progress)

⏪ 40 Well-Known Pinoys who died in 2021 (from January to December)