⏪74 BAGAY O UGALI ng mga NANAY NG MGA BATANG 80'S, 90'S & EARLY Y2K | Alaala nung tayo'y bata pa
NANAY ng mga Batang 80s', 90s & early y2k
Ang mababasa mo ay ang listahan ng kung paano ba magkaroon ng nanay ang mga batang 80s, 90s at early Y2k
Bago ko umpisahan, gusto lamang ipaalala na possible pa rin na may ganito sa mga kasalukuyan o baguhang nanay pero nakakatiyak tayo na iba pa rin ang mga nanay noon at marami silang pagkakapareho. Tara balikan natin ang buhay natin kapiling ni inay.
1. Mga sikat na sandata ni nanay sa pamamalo, hanger, tsinelas, belt, walis tambo, walis tingting,patpat, manipis na kawayan, o damit at kung minsan kahit anong makita sa paligid. Palo sa pwet!
2. Tawag ni nanay sa lahat ng cartoon at anime noon ay "popeye" (papay)
3. Paboritong linya ni nanay: Sumagot ka kung ayaw mong tamaan. Tas kapag sasagot ka: Bastos kang bata ka.
4. Hindi mo makakalimutan yung eksenang nagtaympers o kaya nagbreak muna kayo sa laro para uminom lang ng tubig, pero pinagbawalan ka na ni nanay na lumabas ng bahay.
5. Dapat kapag sinabi ni nanay na matutulog sa hapon matulog ka nun. Kundi may naghihintay na stick sa tabi, tawag ng maraming bata nun, Mahabang chocolate! Sabagay may reward naman merienda pagkatapos kapag sumunod ka kahit na nagtutulug-tulugan ka lang.
6. Nung baby pa tayo, binibilad niya tayo sa araw.
7. Paboritong linya ni Nanay: " Makuha ka sa tingin".
8. Pagpinapaliguan ka ni nanay noon merong portion na tuluy-tuluy ang pagbuhos ng tubig, yung tipong walang break para huminga ka..
9. Linya ni nanay: "Isa, dalawa, dalawa't kalahat, pag umabot pa ito ng tatlo, matatamaan ka sa akin."
10.Vicks, ang isa sa pinakamahalagang panggamot na katuwang ni nanay. Kapag inuubo, vicks na yan, sakit sa tyan, vicks na yan, masakit ang ulo, vicks na yan, masakit ang likod, vicks na yan, di makatulog vicks na yan!
11. Tuwing may bisita lang linalabas ni nanay ang mga bagong baso o kubyertos. Lalo na 'tong set na 'to. Tuwing may okasyon lang mas madalas labas niyan tuwing piyesta... Punch bowl yata tawag dyan ano?
12. Ginagamit ni nanay ang guhit sa kanyang middle finger panukat ng tubig sa isasaing niya. Pero kung sakaling papalya ang sukat at nagkulangan ng tubig, may Backup plan naman palagi si nanay. Kapag kakain na mamarkahan muna niya ng krus ang kanin.
13. Inutusan ka ni nanay na bumili sa tindahan sa kalagitnaan ng panunuod mo. Pero wala na sigurong mas nakakatakot pa kung uutusan ka ni mama habang nanunuod kayo ng MGB Halloween Special. Aminin man natin o hindi, may paboritong inuutusan si nanay.hahaha tapos makakahalata ka, ipagtatanggol mo ang iyong karapatan tas magdadabog ka, pero ending lagi ikaw pa rin ang bibili sa tindahan.
14. Kumuha ka ng kutsara at baso, binuksan mo ang ref at nakita mo ang ice cream, pagbukas mo: bulaga Tilapia! ("waaaaahhhh!" george) Ugali ng mga nanay natin yung resourfulness, yung lalagyan ng ice cream ginagawa niyang sewing kit, yung lalagyan ng biscuit, ginagawa niyang lalagyan ng bigas, yung lata ginagawang pantabo sa pagligo.
15. Dapat marunong kang magbasa ng lenggwahe ni nanay... Pag inutusan ka ni nanay na "Bumili ka nga anak ng Colgate sa tindahan yung Closeup" Ganun din sa ibang brand,Payless ibig sabihin noodles,
16. Kapag nakasumpong sii nanay, naku pati ang pagsusuklay, pagtitirintas, o pagbibihis sa iyo ay mararamdaman mo ang hapdi ng kabwisitan niya.
17. Kapag naliligo kayo ni nanay, isa-isa kayong tatawagin para kakaskasin kayo ng tela na may gasolina, pang-alis ng maiitim na singit-singit raw yun.
18.Tuwing meron bagong appliances di inaalis ni nanay ang nakabalot na plastik nito. Tas ginagawan pa niya ng kurtina ang TV. Tas binabalot pa niya ng plastic yelo ang remote control ng TV.
19. Kapag nagbwisit si mama, galingan ninyo ang paglilinis, kasi alam ninyong iisa-isahin niya kayo.
20. Si nanay ay nagiging politiko tuwing natatapos na ang araw ng pasko. Lagi nilang ipinapangakong itatabi muna niya ang aginaldo mo para raw di mawala, o kaya uutangin nya sa iyo muna pero ililista sa tubig o kaya yung teknik nila na ibibili nya raw ng bagong damit pero overpriced kasi di mo naman sila i-oodit yung totoong presyo.
21. Paboritong bag ni nanay, fishnet bag, basket o bayong.
22. Advance mag-isip ang mga nanay natin, pagbibili sila ng damit para sa yo noon, laging malaki o mahaba sa'yo para daw matagal mong gagamitin. Tas pwedi pang ipamana sa kasunod mong kapatid.
23. Klasik na makeup nila sa kanilang anak na babae. ang mahiwagang Lipstick. Isang lipstick lang, kayang gampanan ang isang set ng makeup. Pupulahin ang labi, pang blush on, at pang-eyeshadow. Ginagamit rin ang lipstick ni nanay para iwas usog sa mga baby.
24. Si nanay ay may kakaibang paraan ng pagre-referee, kapag ayaw nyong tumigil sa pag-aaway. Bibigyan kayo ng tig-iisang kutsilyo para magpatayan na lang daw kayo. Tapos pinipigilan ninyo ang pagtawa dahil awkward ninyong tignan habang hawak-hawak ang kutsilyo. Effective nga naman, titigil naman tayo sa pag-aaway, ang husay talaga ni mama.
25. Laging ginagamit na pangunsensya ni nanay ang batang mabait sa kapitbahay nyo o kaya yung mabait mong pinsan na sana ganun ka rin daw para sumaya siya.
26. Si nanay ang nagrehab sa yo kapag naadik ka na sa mga laro mo. Madalas niyang ginagawa ay sinusunog ang tau-tauhan mo, ginugupit ang mga goma mo, tinatago ang mga sandamakmak mong holen. pero yung popular linya nila palagi ay iluluto ni mama ang ipapakain ang sabaw ng teks sayo.
27. Sarah, Ang Munting Prinsesa lamang ang anime series ang nagpaluha o nagpahabag nang sobra kay nanay kasama na rin si lola.
28. Sya nga pala, hitsura mo noong di ka sinama ni nanay sa pupuntahan niya
29. Ayaw ng nanay mo noon na ang aga-aga ay binuksan mo na ang tv at di mo pa ginagampanan ang nakatoka sayong gawaing bahay.
30. Kapag kayo-kayo lang sa bahay pinapagalitan kayo ni mama dahil pinapasok nyo sa bahay ang tsinelas, pero kapag meron darating na bisita "Wag mo nang alisin, ipasok mo na sa bahay"
31. Paboritong linya ni mama tuwing umaga at nakahiga ka pa: "Gising na,Tanghali na", nag-iiba lang ng dayalekto. Ano sa dayalekto ninyo sinasabi ito ng mga nanay ninyo?
32. Pantay-pantay naman ang pagmamahal ni nanay sa inyong magkakapatid meron nga lang isa sa inyo ang may immunity o mas mahaba ang pasensya niya sa kaniya at hindi agad nagagalit, madalas bunso yan. At syempre ang kabaligtaran nun, meron din sa inyong magkakapatid ang mabilis sa alas kwatro ang inis ni mama.. madalas yan middle child.
33. Kapag may handaan sa kapitbahay, uutusan ka ni nanay na isoli yung yung hiniram niya. Tas teknik pala yun kas pag balik mo may takeout ka nang dala.
34. Paboritong linya ni nanay: "Ibigay mo yan sa kapatid mo, kung ayaw mong malintikan sa akin"
35. Si mama ang unang salarin sa maikli at di pantay mong bangs noon. Si mama ang una mong barbero at ikaw ang kanyang training background. ehehehe
36. Kapag sumasakit ang ulo mo laging sinisisi ni nanay ang teknolohiya, nung lumaganap ang telepono,"Kaka-telebabad mo yan!", nung nagkaroon ng cellphone, "kaka-cellphone mo yan!" nung nagkaroon ng computer "Kaka-computer mo yan", nung nauso ang online games " Kaka-dota mo yan, kaka-counterstrike mo yan, o kaya ngayon naman "kaka-ML mo yan!" Lahat yan sinisi ni nanay, pati kaka-facebook, kaka-instagram, kaka-youtube"
37. Speaking of sakit, kapag linalagnat tayo nun kung naalala ninyo, si mama binabalot tayo na parang suman. Tapos tatanong pa ni mama "O anak ko, anung gusto mong kainin? Kahit ano bilhin natin" yung dun ka lang iniispoiled kapag wala kang ganang kumain. Tas yung totoong masaya talaga ay ang mga utol mong nakaabang lagi dahil alam nilang di mo kayang ubusin ang pagkain. Regular na panggamot sa lagnat ni nanay, royal at skyflakes at kapag sakit sa tiyan ay sprite o 7up na nilalagyan ng asin.
38. Paboritong linya ni nanay pag di nya sinakyan ang trip mo: Ayan, dyan ka magaling!
39. Alam ko ikaw rin ang hinirang ni nanay bilang spokesperson/representative nya kapag nahihiya siyang mang-utang sa ulit sa tindahan.
40. Kapag pera ang pag-uusapan, may paraan si mama para maintindihan mo,buko, kalabaw, agila, bangus, paru-paro, at unit-unti mong nalalaman ang purchasing power o kayang ibili ng mga yan.
41. Paboritong linya ni nanay: "Mata ang ginagamit sa paghahanap, hindi bibig."
42. Good Morning, ang Paboritong hand towel ng mga mama noon
43. Kapag nilabas na ni inay ang suyod alam mong titigil ang laro, masuyod lang kayo.
44. Humanda ka na kapag may mantsa ang puting mong uniporme na mahirap labhan. Paboritong mantsa ni nanay, tinta ng bolpen, kalawang, toyo
45. Tawag ni nanay sa rock at rap songs ay kanta ng mga adik.
46. wag mong ilalapit ang mata mo sa tv, mabubulag ka
47. Paboritong linya ni Nanay na nakaka-confuse: Kukunin mo ba o kukunin mo? Mamimili ka o kaya yung " Pag di mo nakita, makikita mo!.
48. Pag galing sa church o nagsimba ni nanay, pinipigilan niyang mabwisit ang araw niya, minsan nagtatagumpay, minsan nabibigo.
49. Ang batya ni nanay na namana kay lola.
50. Ang mga paboritong pinggan ni Nanay
51. Paboritong bedsheet ng mga nanay noon.
52. Ang Paboritong pitsel ni nanay
53. Ang Paboritong aparador ni Nanay
54. Ang Paboritong pang-almirol ni nanay
55. Eksena sa SM: WAHAHAHAHA gusto ko nang Optimus prime! Tahan na anak, may naghihintay na Optimus Prime sa bahay. Ang Optimus Prime
56.Ganito magcheck ng thermos si inay kung quality.
57. Ang paboritong Eskaparate ni nanay
58. Ang paboritong Andador ni nanay
59. Ang paboritong Tupperware ni nanay
60. Nagiging fangirl si mama kapag sila na ang nakikita. Nora Aunor, Vilma Santos, Ate Shawie, Maricel Soriano, Dawn Zulueta, Judy Ann Santos,
61. Hitsura ni mama bago matulog (rollers)
62. Paboritong linya ng nanay: Para kang may katulong ah, linisin mo yan!
63. Pero naman, insultuhin ka na ng kaaway mo, idawit na niya ang lahat wag lang ang nanay mo kasi talagang away-away-away na to.
Comments
Post a Comment