ALAALA ng ANIME

 Marami tayong nostalgic memories sa Anime, Gaya ng...

* Tinuruan tayo ng Ghost Fighter na kahit ang malalakas na nilalang ay naghe-helmet rin, ikaw pa kayang mahinang nilalang.

* Ginaya mo noon ang The secret skill to catch a butterfly sa Voltes V pero ang nangyayari ay di mo to nasasalo at dumideretso sa'yo ang palo sa mukha mo.

* Pinaiyak ka ng eksena nung namatayan ng matalik na kaibigan si Romeo kahit wala ka namang best friend.

* Nahabag tayo sa pinagdaaanan ni Marco lalo na sa part na magkikita na sila ng nanay niya.

* Sobrang iyak mo sa sawing-palad na buhay nina Nello & Patrasche lalo na nung namatay silang dalawa at the end. Napaluha ka rin ba nun?

* Hindi rin malilimutan ang pag-awit ni Remy sa kanyang mahal kong ina, mula rin nun diba lalo mong minahal ang nanay mo pero matigas pa rin ang ulo mo.

*Okey lang umiyak wag lang paiyakin si Mojaru naku katupasan na naman ng mundo kung di na siya patatahanin nina Mojacko.

* Tanggalin ang sumpa kay zenki! Tatanggalin

ka ng lihim na espada! Sumpa! Dakilang

Vajula.... Palayain ang alagad mong si Zenki!tapos meron kang classmate apelyido Badiola.

* Heto naman ay pina-curious tayong lahat noon kung ano'ng hitsura ni Daddy Long Legs

* Ang pagliban sa klase nina Tom Sawyer at Huckleberry Finn ay ginaya mo rin pero nadiskubre mong mas mahirap palang gayahin ito sa totoong buhay.

* Di mo rin sigurado makakalimutan ang paboritong Inihaw na buntot ng butiki ng palatawang Genie sa Time Quest

* Di mo na rin makakalimutan ang mga audience sa Ghost Fighter na sumisigaw palagi ng Tapusin, Tapusin, tapusin, tapusin...

* Si Princess Sarah lang yata ang unang anime na napatulo ng luha sa nanay at lola mo dahil patok sa kanila nung panahon na yun ang temang heavy drama.

* Ang ganda ng pakikipagsapalaran sa Blue Blink ngunit panaginip lang pala ang lahat na yun...

* Naadik ka sa Peter pan dahil ninais mo ring lumipad at dito mo rin nakita ang unang tiktok, ang Tiktok ng mga Batang 90's... 

* Later mong nalaman na matured pala ang content ng Georgie kasi mas interested ka lang sa animation nito.

* Pinatawa tayo ng maliit na elepante ni Crayon Shin shan pero magtataka ka kung bakit ipinalabas yun ng IBC 13

* Yung lolo na mahilig magnakaw ng bra at panty sa Ran Ma 1/2... Matandang mahilig ang tawag natin sa character na ganyan

* Sabagay si Master Buten rin ay matandang mahilig rin.

* Sa RPN 9 pa unang napanuod ng Dragon ball series d ba?. Astig pa ng mga bata nun, mga panahon na inglesan pa ang mga anime.

* Remember mo yung long shot ni Boy Labo na umabot ng isang linggo yata bago ma-shoot? 

* Remember mo yung limang minuto na lang ay sasabog na ang Planetang Namek pero umabot ng one month ng panunuod bago ito sumabog.

* O si Aramis na inanakala mong lalaki ay babae pala, pero mas nakakalito naman ang kasarian ni Dennis pa rin noon... Pati rin ito sa Fushigi Yuugi na siii... kwan, ano na nga name nito ulit? (nuriko)

* Saiha, Nadare, Homura, Setsuna, Madoka, Rui, Kokuu, and Resshin, ahh diba Minemorize mo pa nga ang mga dragon ni Recca diba with matching bandaid ka pa noon sa pisngi tapos dinodrowing mo to sa notebook.

* Tito ka na kung napanuod mo ang Slam Dunk sa GMA, ultra tito ka naman kung alam mong una talagang ipinalabas ang Slam dunk sa ABC 5. Ultra tito ka naman kung 90's ipnalabas ang Voltes V at Mega tito ka naman kung alam mong 70's unang ipinalabas ang Voltes V sa GMA 7. 

* Pero mas memorable rin yung GMA dahil mas makulet ang pangalan nila at mga linya sa Slum dunk, i-checheck ko 'yan! Kulotski, Boy Labo, Gori, Michi Boy, Bungal, Bakulaw, Unggong na may pulang buhok, Gungong, Super Rookie, Kulot Salot, L-O-V-E Rukawa, Tatang, Secret Weapon,Hari ng Kababawan, Boy Tulog, POsporo, palito, Soro, 

* Mga Ultra at mega titos lang ang unang nakapanuod ng Orginal na astroboy series at Thundersub.

* Mga girls lang ang mahilig manuod ng Sailor moon pero kung meron mang lalaki ay tiyak mga friends mong beki yun. Si Angelika Dela Cruz pala ang umawit ng opening song ng Sailor Moon. 

* Amaze na amaze tayo nung inintroduce sa atin ang Pokemon at hinihiling talaga na sana ay totoo sila...Siya nga pala si Gandang Kara ang nabigay boses kay Ash ng Pokemon.

* Inakala ng marami na ang mga Gundam talaga ang naunang Mecha or giant robot, pero mas nauna talaga si Voltes V, pero wait may kokontrang super tito, mas nauna talaga si Combattler V, but wait there's more, maraming kokontrang mga mega titos dahil ang pinakaunang mecha talaga ay ang Mazinger Z. Naging Superstar lang si Voltes V. sa kanila eh.

Comments

Popular posts from this blog

50 Memories Nung Ika'y estudyante pa lamang (Work in progress)

Ang mga pormahan ng mga kabataan noon (80's, 90's at y2k's)

⏪ 40 Well-Known Pinoys who died in 2021 (from January to December)