50 Memories Nung Ika'y estudyante pa lamang (Work in progress)

 


Nostalgic listahan ng iyong buhay estudyante noon

1. Umpisahan natin sa upuan na ito sa classroom, diba nostalgic na, antitibay ng mga yan, pero anong row ka ba nun?



2. Ginawa mo rin ba yung nag-trace ka ng barya gamit ang papel at lapis?

3. Marami ka bang pinabilib sa paper trick na to noon? 



4. Flames Hope ang nagdidikta sa love life ng tao. Minsan nga trip pa ninyo yung mga teachers ang minamatch sa flames eh.

5. Tapos meron pa tayong ganito kapag gusto nating ipahula kung ilan ang magiging anak mo in the future.  


6. Kwaderno at bolpen lang may laruan ka na. 



7. Sa walang kadahilanan, bakit kaya universal natin ginagawa yung design na yan. Lalo na ito drawing na ito, parepareho tayo. 


8. Sa larawan pa lang naamoy mo na ito, nostalgic na amoy.



 Yung krayola pala ng rich kid mong classmate.


 

Jug ng rich kid mong kaklase. 

at may pet n'yang tamagotchi.



9. Baka ito pa kaunaunahan mong magic trick nung grade 1 ka pa lang.


10. Nag-imbento pa tayo ng secret code na lumaganap, kaya di na secret tuloy 

11. pop!

12. Sa pagsusulat ng noisy, merong pulitika rin diba, kapag friend mo ang natoka sa blackboard, alam mong protektado ka. ehehe

13. Yung bolpen mo na pinagtripan mong pagsabay-sabaying ilabas.

14. Pinanggigilan mo ang lapis o kaya tong takip ng bolpen.

15. Laging ganito ang hitsura ng likuran ng notebook mo. at ganito ka gumawa ng valentine's card

16. Ung mga panget mong kaklase nung elementary ang gaganda ngaun pero ung crush n crush mo noon no comment ka na ngayon.

17. Nagproject pa tayo ng tae ng kalabaw para gawing pataba para sa mga halaman ng gulayan sa iskul.

18. Gumawa ka rin ba ng ganito nung nauso noon ang mga digicam?

19. Kapag buo ang papel at walang gunting, walang problema yan sa mga bata noon ehehe medyo yucky nga lang pero mapamaraan naman. Di kasi tayo pabebe eh.

20.Bago kami umuwi, kailangan magdilig muna kami ng halaman sa hapon. 

21. Pampapogi! Pampaganda!

22. Pati nga yung glue diba pinagtripan mo rin noon na kunwari'y ahas ka... well ahas ka naman talga joke lang 

23. Pero bago pa sumikat ang glue na yan, ito muna ang superstar sa mga pandikit. Paste

24. O yung eksena ninyo sa bakuna naalala mo pa kung gaano ka katakot? at yung kakalase mo na nagtago sa ilalim ng lamesa ni teacher?

25. Ang OG ng mga notebook

26. Bat noon walang arte ang mga kabataan noon, papasok sila kahit maglalalkad o kaya walang baon. Malalakas talaga tayong nilalang. 

27. Aminin mo nung nagbibinata o kaya nagdadalaga, ganito kayo magbaon ng polbo. Makeup na sa mga girls yan noon. 

28. Diba dati wala tayong problema kahit terror yung teachers natin, kasi tingin talaga natin sa kanila pangalawang magulang at wala silang pagkakaiba sa tunay nating magulang. Ngayon mahirap na maging teachers din eh

29. Noon hindi big deal ang parusa ng mga pangalawang magulang natin. Kami nga ang saya namin kapag napaparusahan kahit hirap na hirap nun. Natatandaan mo pa ba yung pinarusa sa inyo ng guro nyo?

30.uso pa ang pagdadala ng gitara at song hits para may libangan kapag vacant. Kantahan sa Bench, sabay-sabay 'yan. Mga hit songs na OPM talaga nagdadala, e. Lalo na iyong sa E-heads, Rivermaya, Siakol.

31. Nostalgic na mga libro.  at ang dalawang ito!

32. Bahagi na sa atin school memories ang mga nagtitinda noon sa paaralan.

33. Eksena sa Klasroom : GUYS hindi raw makakapasok si sir, pirma na lang daw kayo dito para sa attendance. YEAH!!!

34. Kapag wala kayong ginagawa ng mga classmate ninyo, ganito ang naiisip mo diba?

35. o kaya paramihan ng tao sa libro.

36.Naalala mo pa ba yung lapis na pinagsaksak mo ehehe joke lang

37. yung lapis na ito, na senyales ng kahirapan. Sulit na sulit!

38. O yung lapis na de bala at kapag nawala mo ang isa, wala na siyang kwenta.

39. Ang swerte nga ng mga generation ngayon, di nila naranasan ang sandamakmak na lecture.

40. Nagiging ganito na nga ang sulat natin habang tumatagal. Di na yata uso ang cursive ngayon ano?

41. Sa CAT rin natin ang self-disciplne, sibilisado at pagkakaisa.

42. Or pagkakaisahan ka ng tropa mo na iuwi yung bato.

43. Nakakamiss yung nagpapalitan kayo ng slumbook. Buhay pa ba ang sa inyo?

44. Nostalgic baon mong barya. Nostalgic medyas. Nostalgic first day of school. 

45. Nostalgic backpack. Nostalgic gardening.Nostalgic performance kahit napilitan ka lang. nostalgic haircut ni maam. Nostalgic ballpen. 

46. Cguro feel na feel mo ang kapogian nung nakiuso ka nito ano? naks pogi parang nilalagnat lang ehehe

47. Kapag break ganito ang eksena. o kaya ganito.

48. Kapag uwian ganito rin ang eksena sa trike.

49. Namimiss mo rin kung minsan ang mga naging kaklase mo diba, at napapaisip ka sa iba na kahit di kayo naging close ay nababanggit mo minsan nang saan na kaya yung classmate kung yun? o kaya yung classmate mong mangongopya. o classmate mong tumatakas palagi sa pagiging cleaner. Classmate mong mahilig maglinis.

50.Nakakamiss ang buhay estudyante... Narito pa ang mga alaala ng nakaraan nung ika'y estudyante pa lamang.

Comments

Popular posts from this blog

Ang mga pormahan ng mga kabataan noon (80's, 90's at y2k's)

⏪ 40 Well-Known Pinoys who died in 2021 (from January to December)