⏪70 ALAALA NG TEKNOLOHIYA NANG IYONG PAGKABATA | 80's, 90's & Y2K's

 



ang listahan ng Teknolohiya at mga alaala nito sa'yong kabataan.

(80's, 90's at early Y2k's) 


Tara sulyapin natin muli ang nakaraan...

1. Inakala mong kotseng laruan na de remote control ito, pero rewinder pala yan ng vhs tape. Kapag wala nyan, tinidor ang alternatibo.

2. Brick game na pinangarap mong magkaroon lalo na sigurong dream come true kung gameboy ang ibibigay sa'yo ng ninong mo. 

3. Diba ganito pa ang trip mo, kapag nakikinig ng music sa cassette tape, higa-higa lang tas basa-basa sa lyrics na nakalagay sa cover. Tas kung minsan nahihirapan magrewind ang player, kukuha ng lapis o bolpen at mano-manong i-rerewind yung Cassette tape. Ang mahirap na part lang ay yung magbubuhol yung tape sa loob ng player. Pero kapag sira na talaga may paggagamitan pa yan, pweding laruan o kaya gawing pantaboy sa mga ibon sa palayan.

4. Set up ng mobile sound system kapag may sayawan sa probinsya mamayang gabi.

5. Kapag sumindi na ang mga ilaw, senyales ito na dapat ka nang umuwi kasi may naghihintay na mahabang chokolate. 

6. Nung nagkaroon ka ng PC at wala pang internet, naglaro ka ng 3D Pinball, Minesweeper na ang hirap hulaan, 

Microsoft Mahjong, SkiFree, at ang famous na solitaire. BTW, meron nang internet nung 90s sa pinas pero di pa uso at sa mga legit rich kid lang talaga yun. 

7. Nagkaroon ng Tamagotchi craze pero yung mga rich kid mong classmate ang affected sa saya ng virtual pet, ikaw hanggang tingin ka lang. at si Tagpi o muning lang ang pet mo.

8. Diba uso pa nun ang pumupunta sa mga studio para lang magkaroon ng maayos na letrato na may magandang background. 

9. Component ng kapitbahay tapos kayo nakikinig lang sa kung anong ipinapatugtog nila.

10. Ang mga generation ngayon di na nila alam yan yung save icon na lang makikita.

11. Mga dating window versions noon

12. Bukod sa ginawa mong autotune ang electric fan, ginawa ring pagsabaying pindutin ang dalawang buton nito. O kaya yung pinaglaruan mo ang takip ng turnilyo nito. Ginawa mo ring gitara ang grills nito tas pinagmasdan mo rin paano umiiling 

13. Sa photobooth rin tayo nagpapa-rush ng lawaran gaya nung 1x1 2x2 or passport size picture.

14. tina-Tuck-in mo yung shirt mo para makita ang cool mong pager noon.

15. Di alam ng generation ngayon kung paano ang struggle o pahirapan muna para lang makapag-computer. Buti na lang naimbento ang graphic user interface, paclick-click na lang sila. 

16. Pabonggahan at pa-astigan ng casing at backlight ng cellphone noon.

17. Nokia 3210 Kung nagkaroon ka nito sa unang labas nito, naks sosyal sampung libo yaaarrn!

18. Tapos nadiscover mo ang libreng tawag na "drop call". Napapangiti ka ngayon kasi naaalala mo kung paano kayo magusap sa drop call ng jowa mo o mga tropa mo no. Tas kapag kinain ang load mo, [Check Operator Services] "The subscriber cannot be reached please try again later" Ayy naku, alaala ng nakalipas.

19. Tamang tambay ka lang noon sa arcade sa mall lalo na sa perya. Mga paborito mong laro noon ay Mortal combat, Classic Nintendo arcades, Syempre yung Street fighter at laong naging kapanapanabik nung nagkaroon ng Marvel Vs. Capcom, Virtua Cop, tekken, Contra, Double Dragon, Captain commando, Yung paborito kong Final Fight, Time Crisis na palagi akong natatamaan ng bala, tapos lagi akong ninerbyos sa The House of the dead noon, Metal Slug, Daytona USA, Sonic The Hedgehog, wrestlemania, Teenage mutant ninja turtle... Sobrang dami, ang saya! Tas paganda nang paganda ang graphic nung nagsimula na sa computer games like counter strike or Dota, 

20. Kung nadatnan mo 'tong si Clippy the Paperclip, yung office assitant sa microsoft office, siguro dalawa or tatlo na ang anak mo. Meron pang nakasama yan diba, si  asong si Rover, si Merlin, at yung pusa si Links. Tas kalaunan barkada'y dumarami.

21. Floppy disc o Diskette. Kapag nadatnan mo 'to, matanda ka na, pero pag ito ang una mong nadatnan, alam mo na ehehe

22. Remember yung gagawa ka ng ringtone mo,  o yung kaba na naramdaman mo nung aksidente mong napalitan ng chinese ang language setting at di mo na maibalik sa dati. Ako guilty ako dyan, pindot kasi ako nang pindot eheheh.


23. Remember mo yung terms natin nun sa meetup ay eyeball sa ka-txtmate, tapos magkikita na kayo sa meeting place sasabihin muna kung anong kulay suot, kapag di nagustuhan ang face, sasabihin mo, pinapauwi kana ni mama o papa mo at nagmamadali ka...

24. Calculator mo pa nga nun diba ginagawa mong pang-entertainment. Ibabaliktad mo para magawa mong letra. 

25. Remember na naging trend pa ang pagshare gamit ang blutooth, pero mas nauna na yung infrared di lang nag-click noon.

26. Isa pang problema noon sa computer. Pero enjoy mo naman pinaglalaruan. (hanging)

27. Kung nagkaroon ka ng nintendo, alam mo ang ibig sabihin nito. up, down uo down

28. Matatag talaga ang mga bata nun, pinaglalaruan lang namin ang mercury

29. Dito ka unang nagsimula sa graphics designing kuno.

30.Naalala mo pa ba yung paano ayusin ang malabong display ng TV. Tatlo ang paraan ng pag-aayos nyan, syempre una yung pag-ikot ikot sa antenna, pangalawa yung vertical hold control o yung aayusin ang walang tigil sa pagtaas ng display, tas yung ulo mo gumaganun na rin at ang pangatlo ang secret teknik, yun yung paghampas mo sa tv para lang luminaw. 

31. Flex ko lang na minsan nagkaroon kami ng Ernie Baron Super Antenna, pero parang fake yata nabili nmin nun, walang nagyari eh.

32. Wag mo nang gagawin yan my friend, ubus na ang baon mo, mari-raid pa kayo ng mga pulis. 

33. Tambay ka pa noon sa mga chatroom ng Yahoo messenger diba. Sige nga ano ang ibig sbihin ng ASL sa ka-chat mo?

34. Friendster ang alam mo lang na social media at ang lolo ng lahat ng social media. Ba't kaya naglaho yun, ang ganda pa naman ng design ng profile page ko may background songs pa yun ni bon jovi. Medyo nauso rin ang MySpace, at multiply

35. Diba tigpipiso pa nun bawat text? Kapag wala kang load nagti-text ka sa Chikka messenger. 

36.  Iphone at Blackberry noon, status symbol yan, big time ka pag meron ka nyan. Month

37. Naging instant hit yung Space impact at Snake ng nokia.

38. O yung ilang beses mo pipindutin ang isang button para makapagtext. Pero meron rin skilled sa larangan ng pagti-text noon, kahit di nila tinitignan ay alam nila ang tinitxt nila.

39. Ang relo na may calculator na kinaiinggitan ko sa kaklase ko nung grade 2

40. Binabalot sa plastic yelo ang remote control, para hindi mabura ang mga nakasulat na numero.

41. Laganap ang bentahan ng pirated DVD at CD

42. Kodak pa ang tawag natin sa picture. Tapos di dapat sayangin ang bawat pindot sa kamera dahil limitado lang at sayang ang film. 24 or 36 film shots. Ready Ang exciting part ay kapag tapos ng nadeveloped ang mga larawan, magtatawanan sa mga hitsura ninyo. Merong pula yung mata, merong blurred merong putol hahaha. Meron rin naman instant camera, tawag ay polaroid camera, pero yung talgang may kaya lang sa buhay ang meron ganun.

43. Uso pa rin ang typewriter noon.

44. Naaaliw ka sa mga heavy equipment.

45. hanggang ngayon nostlagic pa rin sa'yo ang tunog ng video score

46. Dinilaan mo ang battery

47. ang pinagbabawal na teknik (videohan cheat) unli

48. Overhead projector sa mga university

49. Linalagyan mo ng ganito ang bike para magtunog motor

50. Dito ka unang nag-edit ng video mo


Narito pa ang ibang alaala ng teknolohiya meron noon

-----

- jukebox

-Betamax 

- VHS

- cd-r king

- dot matrix printer

- Pioneer Car Stereo

- Dynamo generator

- Big time ka kapag meron kang colored TV noon.

- alarm clock radio

- Video City

- universal clip charger

- What was your call sign?

- collection of cds mo

- Laser pointer na pweding maging projector

- ball sa mouse

--I love You Virus 

- Digital MP3 Player (USB type)

- Limewire at napster ang source ng free music

- Y2K masisira ang mga computer sa mundo

- Microsoft Encarta

- wala pang social media pero meron ng social forum sa online

- Laganap ang telescopic antenna sa maraming gadget

- Calculator na nagsasalita ng numero

- Digicam

- Portable DVD Player

- mga Screensaver mo noon sa computer

- nagtanim sa Farmville

- Natatandaan mo pa ba ang name ng Social Txter Clan mo noon? Anong code name mo?


-----


Naks nakangiti ka ngayon my nostalgic friend ha.... tsk tsk tsk... alaala ng nakaraan. Pangitian mo na rin ang mga ibang katoto natin, i-share mo ito sa kanila para naman maramdaman nila na matanda na sila ehehe ..


Comments

Popular posts from this blog

50 Memories Nung Ika'y estudyante pa lamang (Work in progress)

Ang mga pormahan ng mga kabataan noon (80's, 90's at y2k's)

⏪ 40 Well-Known Pinoys who died in 2021 (from January to December)