⏪100 KAADIKAN AT KAWIRDUHAN PINANGGAGAWA mo nung BATA KA PA! | (80's, 90s' & Early Y2k's) (Work in progress)



Nostalgic Listahan ng mga Kawirduhan at kaadikan na pinanggagawa mo noong bata ka pa. Tara, balikan natin ang iyong nakaraan.


1. Umpisahan natin sa pinaka sikat, ang pagkanta mo sa harap ng electric fan.

2. Nagdo-drowing ka ng araw sa lupa para patigilin ang ulan.

3. Ginagasgas mo ang styro sa pader para magka-snow ang mga langgam.

4. Pag narinig mo na ang kalembang ng sorbetero, matik na lalabas ka

5. Nagdudura ka sa lupa tas sasabihin mong "walang balikan ng laway O" para mapatunayan mong totoo ang pangako mo.

6. Curious ka palagi kung anu yun at para saan yun?

7. Binabaliktad mo ang talukap ng mata mo.

8. Pinipitik mo ang siko ng kalaro mo para makuryente siya.

9. Pinapak mo ang Milo at Ovaltine. Ganun din sa gatas.

10. Sumasampa ka sa pintuan nang ganito. Kung minsan sa dalawang pader.

11. Gusto mong inuutusan na isindi ang sigarilyo ni itay.

12. Sumabit ka sa likuran ng mga sasakyan.

13. Linalagay o binabalanse mo sa gitna ang switch ng ilaw. Ganun din sa panlipat ng channel sa TV.

14. Gusto mo ang linalagnat kasi paniwala mo Royal ang gamot.

15. Ginagamit mo ang pang-ipit para tumangos ang ilong.

16. Pinupukpok mo ang TV para luminaw.

17. Basta mo na lang pinapatunog ang suklay ninyo

18. Inaaway mo ang usok ng siga kapag sinusundan ka nito.

19. Nilagay mo ang pritos ring sa daliri mo kahit walang ganung instruction.

20. Magsasabit ka ng medyas dahil paniwalang-paniwala ka kay Santa Claus

21. Ginamit mo ito para kuryentihin ang mga kalaro mo

22. Ginawa mong brace or silver tooth jacket ang foil ng juicy fruit gum, chocnut o palara ng sigarilyo.

23. Mini-patibong mo noon

24. Natutulala ka kapag may nakikita kang naghahalo ng semento at ganun din kapag may nagluluto. Kung minsa sa washing machine din.

25. Kinakagat mo ang plastic ng yelo para pambuhat.

26. Dahan-dahan mong sinasara ang ref para masilip mo kung paano mamatay ang ilaw nito.

27. Hinanap mo ang pusa sa sampung piso

28. May gagawin ka kapag ganito na ang kamay ni tito at hinipan na niya ito pero wala kang malay sa ginagawa mo.

29. Pinainit mo ang larawan sa lighter para matanggal ang suot niya.

30. Kukurutin mo ang tiyan ng kaklase mo tas uutusan mo siyang sumipol. Di mo bibitawan ang kurot kung di niya ito ginawa.

31. Namemendong ka kapag merong dumadaan nang ganito. 

32. Pinapalipit mo ang Tsinelas mo para lumakas ang palo (batter) sa Finish Line.

33. Namimilipit ka sa hiya kapag humihingi ka ng piso kay mama.

34. Tinutusok mo ang balat mo ng karayom o pin

35. Tinatali mo ang damo para mambiktima ka.

36. Kinukurot mo ang ilaw sa gasera o kandila

37. Bigla mong tinutulak ang likod ng tuhod ng kalaro mo para ma- out of balance siya.

38. Otomatik mong sinisipsip ang katas ng Santan

39. Pinapadaan mo ang tumutulong tubig sa gripo sa binilog mong daliri.

40. Ginagawa mong pangsalok ng softdrink ang takip ng bote.

41. Kumakaway o Nagbaba-bye ka kapag may dumaan na eroplano o Helicopter, lalo na yung mga mabababa ang lipad.

42. Natutulala ka kapag nanunuod ng fight scenes ni Annie

43. Hinihipan mo ang bala ng Family Computer 

44. Inaakala mong sinusundan ka ng buwan.

45. Nilalagay mo ang tsinelas sa braso para bumilis ang takbo.

46. Binibilad mo ang baterya para ma-charge ulit

47. Ang Munting Mandurukot

48. Hinahagisan mo ng pera ang naghihilamos na pusa

49. Kapag inutusan kang bumili ng softdrink, kusa mo na lang sinisipsip ito.

50. Paunahan kayong makahula ng patalastas sa telebisyon.

51. Nagdodrowing ka ng krus sa bahay ninyo pantaboy sa mga demonyo.

52. Linalagyan mo ng bawang at asin ang t-shirt mo para di kayo maliligaw. Ganun di ang pagbaliktad ng damit.

53. Pinapatakan mo ng kandila ang mga insekto.

54. Ginawa mong panturo ang isang paa ng gagambang ito. Kapag naputol yan diba gumagalaw mag-isa.

55. Linalagay mo ang bolpen or lapis sa nguso mo.

56. Ginawa mong pinwheel or elisi ang dahon ng Kaimito. Cigatrete butt.

57. ginawa ming torotot ang dahon ng kawayan

58. nagparami ka rin ng ganito. Oo maraming na-iscam nun.

59. Dahan-dahan mong pinagmasdan kung paano bumabaluktot ang bala ng stapler

60. Ang na ang na sulakihin sumaskidot moko moko (di gets yan ng mga generation ngayon... ehehe)

61. Iniihip mo ang balahibo ng manok o bibe, yung malambot na balahibo, tapos di mo dapat ito bababa.

62. Inalis mo ang lahat ng paa ng tutubi para wala siyang tigil sa paglipad.

63. Linalaro mo ang plastic bag na wag sumayad sa lupa

64. Nakahiga sa damuhan tapos bumubuo ka ng bagay sa ulap

65. Nagmaneho ka sa makinang de pantahi

66. Bago ka maligo, linulublob mo ang mukha mo sa baldeng tubig. Kung minsan patagalan pa kayo ng kapatid mo di hihinga.

67. Ginawa niyong iikot ang bato sa dalawang magkadikit na bato, tapos magiging magnet.

68. Binabato mo ang maliit na bato sa ilog at gagawa ka ng maraming bilog-bilog na ripples (Stone Skipping)

69. Kokolektahan mo ang mga monobloc tapus uupo ka taas nito 

70. Nagwish ka nung naperfect mong naipakita ang brown part ng buto ng kamatsiles. 

71. Inipit mo ang kaklase mo sa desk gamit ang daliri mo.

72. Sinipsip mo ang tinta ng bolpen mo na inakala mong dumami. Kung minsan diba pumunta ang tinta sa dila mo.

73. Sinisilip mo ang gitnang bahagi ng Jalousie sa bintana.

74. Sinuklay mo ang buhok mo at pinag-iikot hanggang nagkabuhol-buhol tas umiyak ka nalang dahil di mo na maalis.

75. Ginupit mo ang sarili mong bangs tas ampangit tignan. di pantay.

76. Na-curious ka kung anong lasa ng sipon or kulangot tapos ginawa mo nga.

77. Nag-may I go out ka kay teacher para mag-CR pero andami mong dinaanan bago ka bumalik sa klasrum.

78. Para saktan mo ang damdamin ng kalaro mo, sasabihin mo sa kanya, "Beh di na kita bate!"

79. Simula nung napanuod ang tiyanak, natatakot ka sa mga bata baka mag-transform.

80. Pinaikot mo ang notebook mo gamit ang bolpen.

81. Linalagyan mo ng X ang namagang balat na kinamot mo.

82. Binaluktot mo ang mga daliri mo nang ganito.

83. Pinapaikot mo ang buhok mo sa daliri mo.

84. Rinorolyo mo ang strap ng bag mo.

85. Gumawa ka ng bubble gamit ang laway mo

86. Hinahagis mo ang kornik o kahit anong chichirya, tas sasaluhin mo gamit ang bibig.

87. Nagtitino ka kapag tinatakot ka ni mama na may pulis.

88. Tinitigan mo ang dulo ng daliri mo habang palapit sa pagitan ng mga mata mo, tas maduduling ka.

89. Inilawan mo ng flashlight ang mukha mo para magmukha kang nakakatakot.

90. Kinain mo pa rin ang nahulog na pagkain kasi wala pang 5 seconds yung iba mas maluwag, 5 minutes pwedi pa.

91. Nagdrawing o nagsulat sa alikabok sa bintana o sasakyan.

92. Ginawa mong sumbrero ang tabo hanggang maubos ang tubig nito kapag naliligo ka.

93. Ginawa ninyong sasakyan ang karton o kaya sako.

94. Ginawa mong swimsuit ang sando bag.

95. Sinubukan mong apakan ang ulo ng anino mo.

96. Dibay-dibay ang tawag mo dyan.

97. Pinapaputok mo ang bubble wrap

98. Naglaro kayo ng espada gamit ang tig-iisang pirasong walis tingting. Tapos hampasan kayo nun.

99. Pinagbo-boxing mo ang puno ng saging kunwari'y mga kalaban.

100. Eksena sa panunuod ng TV: Malinaw na ba? di pa, ikot mo pa, O yan? di ba? yan, yan yan, ops lumagpas balik mo, balik mo ng konti. yan yan yan malinaw na! 

101. Gamit ang paa, pinagtripan mo ang ka-tropa mong kilitiin ang kanyang junjun.

102. Habang tinatakpan ng iba ang kanilang ilong, gustung-gusto mo naman ang amoy ng gasolina.

103. Pinaniwalaan mong pera ang white spots sa kuko mo.

104. Pinagtripan ninyong itayo ang natutulog nyong kabarkada.

105. Ginaya mong kumain at uminom ang aso o pusa n'yo.

106. Kinalbit ninyo ang likod ng friend mo tas magkukunwaring wala kang alam sa nangyari.

107. Nag-drawing ka ng bilog sa mga sugat mo.

108. Sumisipol ka para magkaroon ng hangin.

109. Satisfying sa'yo ang pagtanggal ng scab or langib ng iyong sugat.

111. Sinaksak mo ang electric plug sa ilong mo o kaya sa kili-kili

112. Linulok mo ang buto ng santol at ganun rin ang bubble gum.

113. Linalagyan mo ng thumb tacks ang tsinelas mo bilang design.

123. Binabaon mo ang kuko mo sa bayabas. 

124.Ang ending palagi ng plastic balloon ay ipupukpok ang maliliit na lobo nito sa ulo ng kalaro mo para gawing paputok

125. Habang tumatagal sa panunuod palapit ka nang palapit sa tv screen tas magagalit si nanay o si lola, mabubulag ka raw.


Watch here: https://youtu.be/VgeUNQ7v3Ak


Comments

Popular posts from this blog

50 Memories Nung Ika'y estudyante pa lamang (Work in progress)

Ang mga pormahan ng mga kabataan noon (80's, 90's at y2k's)

⏪ 40 Well-Known Pinoys who died in 2021 (from January to December)