Mga Movie Trademark sa Pelikulang Pinoy



Alam ko naman na hindi rin perpekto ang mga movies  noon. Talagang magkakaroon talaga ng kumbaga'y parang formulated milk na. In street lingo, gasgas, kumita, replay, "pare-pareho lang", etc. etc. Di naman talaga maiiwasan ang producer's movies o mga pelikulang dinesenyo para kagustuhan ng producers at kagustuhan ng "mas" nakararami. Hindi naman kasi lahat ng Pinoy ay gusto ang mga award-winning na pelikula di ba? Kaya kung mapapansin mo, dahil sa syempre mas kumikita ang mga pelikulang nakaulma na ay hindi kataka-takang maypagkakapareho na ang mga ito. Sa bagay kahit anong henerasyon o kahit anumang bansa ka pumunta meron talagang ganun parang mga B-movies lang, yung junk food lang, alam natin konti or walang sustansya ang pagkain na 'to pero dahil masarap kain ito ay buhay pa rin ang industriya ng mga junk food hindi ba? Dami kong satsat, sige na nga. ok heto na ang mga trademarks sa pelikulang pinoy na paulit-ulit mo na lang nakikita.


⬛️ Sa mga action movies, palaging merong sidekick ang bida na madaldal at nakakatuwa. Siya madalas ang kabalitaran ng bida. Kung ang bida ay magaling yung sidekick ay kulelat.

⬛️  Kahit mahirap pa sa daga ang mga bida ay nakukuha pa nilang mag-beach or resort. 

⬛️ Hindi mawawala ang sing and dance portion. Plus maraming pagkain ang dala nila. 

⬛️ Kapag naubos na ang mga tauhan at ang natira ay pinuno ng sindikato. Mag-uusap muna ang bida at kontrabida, bago sila magpalitan ng putok, tapos yung kontrabida pa rin ang madededo.

⬛️ Di natatamaan ang bida kahit paulanan pa ng sandamakmak na bala.

⬛️ Yung mga sindikatong kalaban ng bida kahit gaano pa sila ka-big time, ang mga sasakyan nila'y puro bulok halatang pasasabugin ang mga ito at palaging merong isang kotseng mahuhulog sa bangin. 

⬛️ Palaging merong tindaan na nababangga sa car chase scene madalas mga nagtitinda ng palamig ang nabibiktima.

⬛️ Ang isang revolver o kahit anong handgun ay kayang bumaril ng sandamakmak na kalaban at isang beses lang o walang reload.

⬛️ Ang sound effect sa suntukan ay kasinglakas na parang mababasag na ang bungo ng matatamaan. 

⬛️ Ang leading lady ay marunong palang makipag hand combat at kaya niyang talunin ang naglalakihang goons.

⬛️ Palaging naka-makeup ang leading lady kahit matutulog, bagong gising o kahit gumagawa pa ng gawaing bahay. 

⬛️ Kailangan babanggitin ng bida ang pamagat ng pelikula.

⬛️ Ang bidang babae naman ay palaging mayroong kaibigan na bakla o kaya nman hindi kagandahan o kaya naman mataba.

⬛️ Ang leading lady ay palaging anak ng lider ng sindikato.Siya ang susi para mapahamak ang kanyang ama.

⬛️ Laging taguan ng mga bida ang probinsya at doon magkakainlaban ang bida at leading lady.

⬛️ Palaging bodega o ware house ang malaking sagupaan sa pagitan ng bida at pinuno ng sindikato.

⬛️ Ang boss ng mga kontrabida ay sobrang kinaasusuklaman ang bida sa pelikula, pero kapag nadampot nila ito di niya ito papatayin agad, itatabi muna siya at ikukulong sa isang...warehouse na magbibigay sa kanya ng pagkakataong makatakas.

⬛️ Makikipagbarilan 'yung mga pulis kahit nasa lugar na maraming tao.

⬛️  Kapag may wedding scene o birthday sa action films, tiyak kang may manggugulo. Merong mamamatay ng miyembro ng pamilya tapos maghihiganti.

⬛️ Palaging siyam ang buhay ng bida samantalang isang bala lang sa leading lady patay na ito.

⬛️ Kapag drama naman, laging merong tatay na inaaatake sa puso kapag merong away-pamilya.

⬛️ Leather Jacket! Leather Jacket! Leather Jacket!

⬛️ Nasasabi ang lahat ng gusto ng bida bago siya mamatay, sa sobrang tagal may pag-asa pa siyang mabuhay kung dinala siya sa ospital.

⬛️ Pagkatapus magulpi ng bida at ginagamot na ng leading lady, asahan mong merong love scene na mangyayari, kahit gaano pa kasakit ng pasa sa katawan.

⬛️ Pag nilusob ng bida ang hideout ng kalaban, sisigaw and kontrabida ng "MAGSIKALAT KAYO!!". At unti-unti silang papatayin ng bida.

⬛️ Laging binabastos ang leading lady kapag dumadaan sa mga nag-iinuman tapos susulpot ang bida para makipagsuntukan.

⬛️ Laging may ina na laging nagbibigay payo sa kanyang anak na wag ilagay sa kamay niya ang batas pero itutuloy pa rin niya.

⬛️ Laging sa huli dumarating ang kapulisan, kapag tapos na ang laban.


BONUS

Sa kalagitnaan ng panunuod, biglang mag-iiba ang boses ng artista

Sa comedy, magpapanggap ka lang manikin ay di ka na mapapansin ng naghahanap.

Kapag sa beach kadalasan merong eksenang ganito.

Nakakapagsalita ang sulat na matatanggap.


Kung meron ka pang idadagdag my friend, i-comment mo lang sa notebook, joke! sa comment section syempre. Heto kung type mo makakita pa ng actual movie clip ng mga yan panuorin mo ang bidyong nakikita mo sa baba. 

Naku sinusubukan kong-i embed sana dito kaso ayaw madisplay yung video. Nagloloko si pareng Google ehehe. So itong na lang my friend. 

CLICK this link---> https://youtu.be/NzgMHyowKZc


Comments

Popular posts from this blog

50 Memories Nung Ika'y estudyante pa lamang (Work in progress)

Ang mga pormahan ng mga kabataan noon (80's, 90's at y2k's)

⏪ 40 Well-Known Pinoys who died in 2021 (from January to December)