Mga Pinoy Trademarks sa Pelikula
Maraming salamat sa pagdating mo my friend. Ang pag-uusapan natin ngayon ay ang mga Pinoy trademarks sa Pelikula o mga nakasanayang movie formulas na dahil maraming gumagamit ay napapansin mo nalang ang kanilang pagkakapareho kapag pinanuod mo ang mga ito.
Movie Trademarks here we go....
⬛️ Sa mga action movies, palaging merong sidekick ang bida na madaldal at nakakatuwa. Siya madalas ang kabalitaran ng bida. Kung ang bida ay magaling yung sidekick ay kulelat.
⬛️ Kahit mahirap pa sa daga ang mga bida ay nakukuha pa nilang mag-beach or resort.
⬛️ Hindi mawawala ang sing and dance portion. Plus maraming pagkain ang dala nila.
⬛️ Kapag naubos na ang mga tauhan at ang natira ay pinuno ng sindikato. Mag-uusap muna ang bida at kontrabida, bago sila magpalitan ng putok, tapos yung kontrabida pa rin ang madededo.
⬛️ Di natatamaan ang bida kahit paulanan pa ng sandamakmak na bala.
⬛️ Yung mga sindikatong kalaban ng bida kahit gaano pa sila ka-big time, ang mga sasakyan nila'y puro bulok halatang pasasabugin ang mga ito at palaging merong isang kotseng mahuhulog sa bangin.
⬛️ Palaging merong tindaan na nababangga sa car chase scene madalas mga nagtitinda ng palamig ang nabibiktima.
⬛️ Ang isang revolver o kahit anong handgun ay kayang bumaril ng sandamakmak na kalaban at isang beses lang o walang reload.
⬛️ Ang sound effect sa suntukan ay kasinglakas na parang mababasag na ang bungo ng matatamaan.
⬛️ Ang leading lady ay marunong palang makipag hand combat at kaya niyang talunin ang naglalakihang goons.
⬛️ Palaging naka-makeup ang leading lady kahit matutulog, bagong gising o kahit gumagawa pa ng gawaing bahay.
⬛️ Kailangan babanggitin ng bida ang pamagat ng pelikula.
⬛️ Ang bidang babae naman ay palaging mayroong kaibigan na bakla o kaya nman hindi kagandahan o kaya naman mataba.
⬛️ Ang leading lady ay palaging anak ng lider ng sindikato.Siya ang susi para mapahamak ang kanyang ama.
⬛️ Laging taguan ng mga bida ang probinsya at doon magkakainlaban ang bida at leading lady.
⬛️ Palaging bodega o ware house ang malaking sagupaan sa pagitan ng bida at pinuno ng sindikato.
⬛️ Ang boss ng mga kontrabida ay sobrang kinaasusuklaman ang bida sa pelikula, pero kapag nadampot nila ito di niya ito papatayin agad, itatabi muna siya at ikukulong sa isang...warehouse na magbibigay sa kanya ng pagkakataong makatakas.
⬛️ Makikipagbarilan 'yung mga pulis kahit nasa lugar na maraming tao.
⬛️ Kapag may wedding scene o birthday sa action films, tiyak kang may manggugulo. Merong mamamatay ng miyembro ng pamilya tapos maghihiganti.
⬛️ Palaging siyam ang buhay ng bida samantalang isang bala lang sa leading lady patay na ito.
⬛️ Kapag drama naman, laging merong tatay na inaaatake sa puso kapag merong away-pamilya.
⬛️ Leather Jacket! Leather Jacket! Leather Jacket!
⬛️ Nasasabi ang lahat ng gusto ng bida bago siya mamatay, sa sobrang tagal may pag-asa pa siyang mabuhay kung dinala siya sa ospital.
⬛️ Pagkatapus magulpi ng bida at ginagamot na ng leading lady, asahan mong merong love scene na mangyayari, kahit gaano pa kasakit ng pasa sa katawan.
⬛️ Pag nilusob ng bida ang hideout ng kalaban, sisigaw and kontrabida ng "MAGSIKALAT KAYO!!". At unti-unti silang papatayin ng bida.
⬛️ Laging binabastos ang leading lady kapag dumadaan sa mga nag-iinuman tapos susulpot ang bida para makipagsuntukan.
⬛️ Laging may ina na laging nagbibigay payo sa kanyang anak na wag ilagay sa kamay niya ang batas pero itutuloy pa rin niya.
⬛️ Laging sa huli dumarating ang kapulisan, kapag tapos na ang laban.
BONUS
Sa kalagitnaan ng panunuod, biglang mag-iiba ang boses ng artista
Sa comedy, magpapanggap ka lang manikin ay di ka na mapapansin ng naghahanap.
Kapag sa beach kadalasan merong eksenang ganito.
Nakakapagsalita ang sulat na matatanggap.
Kung nais mong panuorin na lamang ang mga akwal na eksena, heto my friend. Enjoy watching!
Comments
Post a Comment