Mga Pinoy Trademarks sa Pelikula
Maraming salamat sa pagdating mo my friend. Ang pag-uusapan natin ngayon ay ang mga Pinoy trademarks sa Pelikula o mga nakasanayang movie formulas na dahil maraming gumagamit ay napapansin mo nalang ang kanilang pagkakapareho kapag pinanuod mo ang mga ito. Movie Trademarks here we go.... ⬛️ Sa mga action movies, palaging merong sidekick ang bida na madaldal at nakakatuwa. Siya madalas ang kabalitaran ng bida. Kung ang bida ay magaling yung sidekick ay kulelat. ⬛️ Kahit mahirap pa sa daga ang mga bida ay nakukuha pa nilang mag-beach or resort. ⬛️ Hindi mawawala ang sing and dance portion. Plus maraming pagkain ang dala nila. ⬛️ Kapag naubos na ang mga tauhan at ang natira ay pinuno ng sindikato. Mag-uusap muna ang bida at kontrabida, bago sila magpalitan ng putok, tapos yung kontrabida pa rin ang madededo. ⬛️ Di natatamaan ang bida kahit paulanan pa ng sandamakmak na bala. ⬛️ Yung mga sindikatong kalaban ng bida kahit gaano pa sila ka-big time, ang mga sasak...